top of page

NUEP UPDATES

  • Writer: Labuad Veron
    Labuad Veron
  • Feb 19
  • 2 min read

Updated: Mar 14

NUEP On the Spotlight


Inilunsad ng NUEP ang programang NUEP On the Spotlight.


Sa NUEP On the Spotlight, binibigyang pansin natin ang mga taong may mahalagang papel sa ating organisasyon.


Sa unang episode, makikilala natin si National Inspector, Bro. Jon-Jon Marcelo—ang kanyang kwento, karanasan, at ang kanyang puso sa paglilingkod.


Paano siya nagsimula?


Ano ang kanyang inspirasyon sa patuloy na pagtupad sa misyon?


Alamin ang sagot sa episode na ito.


On the Spotlight Episode 1


🎉 Ika-6 na Anibersaryo ng Centro Bagong Jerusalem 🎉


Sa Purok Aquino, Brgy. Conception, Koronadal City, nagdiwang ang Centro Bagong Jerusalem ng kanilang ika-6 na anibersaryo! ✨


Pinangunahan ni kapatid Ariel Andres, pangulo ng centro, ang masiglang pagtitipon. Nakiisa rin ang mga kapatid mula sa Centro Silao Ti Biag, nagdala ng saya at inspirasyon sa buong selebrasyon. đź’–


Ang anibersaryo na ito ay naging napaka-espesyal at matagumpay, puno ng saya, inspirasyon, at pasasalamat.


Centro Bagong Jerusalem—anim na taon ng liwanag, pagkakaisa, at walang kapantay na espirituwal na paglalakbay! 🎊



Muling Itatayo ang Tahanan ng Pananampalataya

Sa gitna ng katahimikan ng kalikasan, sa lilim ng mga puno at sa yakap ng kabundukan, naroroon ang isang munting centro—payak, simple, ngunit punong-puno ng pananampalataya—ang Templo Kinapudno, na matatagpuan sa Sitio Nagcancionan, R.A. Padilla, Carranglan, Nueva Ecija. Dito nagtitipon ang mga kapatid upang manalangin, mag-aral, at magpatibay ng kanilang pananampalataya.

Ngayon, muling itatayo ng National Union Espiritista ng Pilipinas (NUEP), Inc. ang centro na ito upang maging mas maayos, matibay, at komportable ang pagsesession at pagtitipon. Isang lugar na hindi na alalahanin ang init o ulan, kundi mapagtutuunan ang pag-aaral ng mga salita ng Diyos.

Ang muling pagtatayo ay hindi lamang pag-aayos ng gusali—ito ay pagpapatibay ng samahan at misyon. Sapagkat ang tunay na pundasyon ng centro ay hindi kahoy o yero, kundi pananampalataya, pagkakaisa, at pag-ibig sa kapwa.



Isang Makabuluhang Araw ng Pakikiisa sa Session ng Centro Galacia


Sa pangunguna nina National Inspector Jon-Jon Marcelo, National Adviser Reymond Tayag at General Inspector for Luzon Ajay Tayag, matagumpay na naisagawa ang pakikiisa sa session ng Centro Galacia na ginanap sa Sitio Biabas, San Isidro, Concepcion, Tarlac. Ang pagtitipon ay naging masigla at makabuluhan, na nagbigay inspirasyon at pagpapala sa lahat ng dumalo.


Naghandog rin ng pagkakataon ang ating samahan upang magturo ng choir sa kanilang munting kabataan. Kitang-kita ang sigla, dedikasyon, at tuwa ng mga bata sa pagkatuto, na lalong nagbigay buhay at saya sa buong programa.


Ang ganitong mga gawain ay patunay ng patuloy na pagkakaisa at sama-samang layunin ng ating samahan sa pagpapalaganap ng pananampalataya at paglilingkod.



Pagdiriwang ng ika 6 na Anibersaryo ng Centro Bagong Jerusalem


Malugod naming ipinapaabot ang aming paanyaya sa lahat ng mga kapatid kaibigan na makiisa sa pagdiriwang ng ika-6 na anibersaryo ng Centro Bagong Jerusalem.

📅 Petsa: Pebrero 22, 2026📍 Lugar: Purok Aquino, Brgy. Conception, Koronadal City, South Cotabato

Ang okasyong ito ay pagkakataon upang pasalamatan ang Poong Maykapal sa Kanyang walang hanggang gabay, at upang ipagdiwang ang pagkakaisa, pagmamahalan, at paglilingkod ng ating komunidad.

Samahan ninyo kami sa mga gawaing espirituwal, pagtuturo, at mga programa ng kawanggawa na magpapalalim ng ating pananampalataya at pagkakabuklod-buklod bilang isang pamilya sa Diyos.

Maraming salamat sa patuloy ninyong suporta at pakikiisa!

1 Comment


Roger Nepomuceno Arcilla
Roger Nepomuceno Arcilla
Feb 20

Happy 6th anniversary centro BAGONG JERUSALEM! A warmth greetings from your NUEP Family!

Bagaman magkakalayo po ang ating geographical locations, pero malapit naman po kayo sa aming mga puso bilang mga kapatid na pinagsama-sama ng ating Diyos. Huwag nyo pong iisipin na wala po kayong katuwang, kasama ninyo po kami, at ang ating Dakilang Diyos ay kasama natin sa pakikipag laban upang magawa ang ating mga assigned tasks. Mahirap lang po talaga ang daan na patungo sa katotohanan.......but

Difficult roads often lead to beautiful destinations. It does not matter how slowly you go as long as you do not stop. Basta always Fight and Overcome lang po mga kapatid ! We may encounter many conflicts as we do the WORK…

Edited
Like
bottom of page